Sexual Harassment
"Maikli Kasi" (Sexual Harassment) Ang mga salitang “sexual harassment” ay hindi na bago sa pandinig ng karamihan. Ito ay isa sa mga napapanahong isyu na kadalasang iniiwasan upang maiwasan and isang sensitibo at kontrobersyal na usapan. Ang sexual harassment ay isang malaking problema na kinkaharap ng karamihan, sa kabila ng kanilang kasarian. Ito ay maaaring mangyari sa anumang paraan, pisikal man o sa pamamagitan ng mga salita. Kalimitan itong pinagtutuunan ng pansin, at minsa’y ipinagwawalang bahala. Ang sexual harassment ay walang pinipiling biktima, at walang pinipiling oras. Maraming biktima ang nanatiling tahimik dulot ng takot at kahihiyan, ngunit hindi ito isang bagay na dapat lamang isantabi. Sa tuwing nasasabi ang salitang ‘sexual harassment’ kadalasan ay iisang bagay lamang ang pumapasok sa isipan ng mga tao, at isinasantabi ang iba pa nitong kaurian tulad ng: (1) catcalling o ang pagsitsit o pagtawag sa isang dumadaan nang may halong p